Philippine Senator Tito Sotto stokes controversy again, Pep.ph report said "Sotto implies former U.S. President John F. Kennedy was a plagiarist"
My Comments:
Granted for the sake of argument, that the late U.S. President John F. Kennedy had allegedly committed plagiarism, does that purported wrong act justify or exonerate the plagiarism error of our Philippine Senator Tito Sotto? Of course not! That is called "muddling the issue".
I suggest we do not drag other people like the late much-admired President Kennedy into this domestic controversy we have here in the Philippines.

Let me make it clear, I have nothing personal against Senator Tito Sotto.
Yes, I disagree with Senator Tito Sotto and his ally Senate President Juan Ponce Enrile for their petty wishy-washy stand on plagiarism, for their unfair obstructing of the open debate and voting for the pro-women, pro-family planning Reproductive Health (RH) Bill, but I still respect them as human beings and their right to their wrong opinions.
(This image below sourced from sowhatsnews.wordpress.com)
(This image below is of the Time magazine cover on then U.S.A. President John F. Kennedy)
Here is the Tagalog vernacular news report from Pep.ph which prompted me to comment above:
Senator Tito Sotto implies former U.S. President John F. Kennedy was a plagiarist
Rommel R. Llanes
Pep.ph website Nov. 17, 2012
Sa tingin ni Senador Vicente "Tito" Sotto III ay nakakita siya ng pambawi sa kanyang mga kritiko.
Nagpadala ng isang text message ang 64-year-old Senate Majority Leader at Eat Bulaga! host sa isang local broadsheet na naglalaman ng link sa isang website.
Ang link ay nakadirekta sa isang istoryang gawa ng www.dailymail.co.uk writer na si Daniel Bates, tungkol sa mga rebelasyon ng librong Jack Kennedy: Elusive Hero, na sinulat ni Chris Matthews.
Sinabi ni Bates na ayon kay Matthews, diumano’y ninakaw ni dating-U.S. President John F. Kennedy ang kanyang pamosong linyang “Ask not what your country can do for you, ask what you can do for your country” mula sa headmaster ng paaralang pinanggalingan nito.
Ang orihinal daw na nagsabi ng linyang ito ay ang headmaster ng Choate School sa Connecticut, U.S.A., na si George St. John.
Kabilang din sa mga sinasabing ibinubunyag sa libro ni Matthews ay ang mga sagot sa questionnaire na ipinadala sa ilang dating kaklase sa Choate School ni JFK (inisyal ni President John F. Kennedy), nung maging presidente na ng U.S. ang pamosong Irish-American politician.
Isang dating kaklase raw ni JFK ang nagsulat na “I boil every time I read or hear the Ask not… exhortation as being original with Jack.”
“Jack” ang palayaw ni John F. Kennedy.
“Time and time again we all heard [the headmaster] say that to the whole Choate family,” sabi pa raw ng isang source ng libro.
Ang pamoso, ngunit pinagdududahan na ngayong linya ni Kennedy, ay bahagi ng kanyang pamosong January 20, 1961, inaugural speech, na ibinigay sa Capitol Hill sa Washington, DC, nang mailuklok siyang ika-35 presidente ng Estados Unidos.
SOTTO’S INTENTION. Ayon sa local broadsheet na pinadalhan ni Senador Sotto ng link sa kanyang text message, hindi mahirap mahulaan kung bakit nagpadala ng ganung text message ang senador.
Sa kasalukuyan kasi’y kabi-kabilang batikos ang ipinupukol dito dahil sa isyung plagiarism.
Matatandaang nagsimula ang isyung ito laban sa kanya nang magkaroon ng plagiarism complaints mula sa U.S.-based bloggers na sina Peter C. Engelman, Janice Formichella, at Sarah Couture Pope.
Ito ay kaugnay sa walang-paalam na pagkopya at paggamit ng senador ng ilang bahagi ng kanilang blogs sa kanyang mga privilege speeches sa Senado, laban sa pinagdedebatehang pagpasa ng Reproductive Health Bill.
Laban si Sotto sa RH Bill.
Noong Nobyembre 9 naman ay pinaratangan ng Robert F. Kennedy Center Justice and Human Rights president na si Kerry Kennedy ng plagiarism si Senador Sotto.
Si Kerry ay anak ng yumaong U.S. senator na si Robert F. Kennedy, na kapatid naman ni dating-U.S. President John F. Kennedy.
Noong una’y hindi pinansin ni Senador Sotto ang reklamong ito at sinabi pa niya sa kanyang November-12 interview sa ilang press, na hindi siya hihingi ng tawad.
“E, baka imbento lang iyan ng mga aficionado doon, ng mga professional manipulator sa Internet,” sabi pa ng senador.
Ngunit kinabukasan, Nobyembre 13, humingi rin ng tawad sa pamilya ni U.S. Senator Robert F. Kennedy si Senator Sotto sa pamamagitan ng isang speech sa Senado.
Inilagay nito sa kanyang speech: “Copying, imitation, is the highest form of flattery.
“If it upsets the Kennedy family, then I am sorry, but then that's not my intention.”
Ngunit nung araw ring iyon ay naghain naman ng 22-page ethics complaint ang 37 katao laban sa kanya.
Isinampa ang reklamo sa Senate Ethics and Privileges Committee na pinamumunuan ni Senate Minority Leader Allan Peter Cayetano.
Karamihan sa 37 katao ay kinabibilangan ng mga guro at bloggers na nagrereklamo sa plagiarized speeches ng senador.
Ang argumento nila ay nilabag ni Senador Sotto ang Intellectual Property Code of Philippines o RA 8293 at ang mismong ethics rules ng Senado.

No comments:
Post a Comment